Si Mikki Eugenio ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts (Public Administration) sa University of the Philippines - Diliman at nagtatrabaho sa isang BPO sa Taguig. Sa kanyang free time, siya ay isang blogger, writer, geek at kaibigan sa kanyang mga online buddies sa internet na hanggang ngayon ay clueless sa kanyang itsura sa tunay na buhay.
Ang kanyang mga istorya ay bunga ng mga di-pangkaraniwang karanasan, mga kuwento ng kaibigan, lugar na napupuntahan at mga nababasa sa internet. Madalas itong tungkol sa kabataan, ang mga di-karaniwan nilang kwento sa ngayon at kung paano sila nabubuhay sa isang magulong mundong pilit nilang tinatahak, mapagtagumpayan at mabago.
Maaring mabasa ang kanyang mga kwento sa wattpad.com/user/mikkieugenio.